^

Police Metro

SAF idedeploy sa malls, kalsada ngayong ‘ber’ months

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang mapigilan ang mga insidente ng krimen ngayong ‘ber’ months ay asahan na ngayon ng publiko na mas maraming pulis partikular ang miyembro ng Special Action Force (SAF) ang nakakalat sa mga malls, kalsada at iba pang esta­blisyimento.

Ito ang binigyan diin ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., bunsod na rin ng pagdagsa ng tao sa lansangan ngayong “ber” months.

Anya, mas paiigtingin ang police visibility sa shopping malls, kalsada at iba pang establisyimento upang mabigyan ng proteksiyon ang publiko laban sa snatching, hold up at iba pang modus.

Sinabi pa ni Azurin, ngayong nagsimula na rin ang face-to-face classes at “ber” months ay mara­ming­ kriminal ang mana­namantala sa pagkakataon.

“As always, we anti­cipate the crime to go up when the ber months come that is why I instructed our police not just in the National Capital Region for an increased police pre­sence,” ani Azurin.

Dapat din aniya naka­alerto ang kanilang pu­wersa sa mga ‘crime prone areas,’ bukod sa regular ang koordinasyon ng pulis sa mga opisyal ng barangay.

Ibinahagi ni Azurin na bumaba ang index crimes sa bansa simula nang ma­upo si Pangulong Marcos Jr. noong Hulyo.

vuukle comment

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with