Halos P4 dagdag sa presyo ng gasolina, ipatutupad ngayon
MANILA, Philippines — Ngayong araw ng Martes ay magpapatupad ng malaking pagtaas sa presyo ng gasolina, habang malaking bawas naman sa presyo ng diesel at kerosene sa kada litro.
Sa magkahiwalay na advisories, ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. ay magpapatupad ng P3.95 na patong sa presyo ng kada litro ng gasolina habang babawasan naman ng P2.30 ang diesel at kerosene ng P2.45 sa bawat litro.
Magpapatupad ng parehong pagbabago sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petro Gazz, at Unioil Petroleum Philippines Inc.
Mauunang magpapairal ng bagong presyo ang Caltex pagsapit ng alas-12:01 ng madaling araw ng Mayo 24, habang ang iba pang kumpanyang nabanggit ay pagsapit pa ng alas-6:00 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na bandang alas- 8:01 pa ng umaga.
- Latest