E-Sabong pinatigil ni Pangulong Duterte

An e-sabong betting outlet.
Aldo Nelbert Banaynal

MANILA, Philippines — Dahil hindi umano na­aayon sa “values” ng mga Filipino kung kaya’t ipapatigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ope­rasyon ng online sabong o e-sabong.

Sinabi ni Pangulong­ Duterte na mismong ang Department of Interior­ and Local Government (DILG) ang nagrekomenda na ipatigil ang e-sabong dahil sa napakaraming negatibong idinudulot sa buhay ng mga Filipino.

Maliwanag aniya na ang e-sabong ay may negatibong impact sa mga mamamayan, sa pamilya at mismong sa mga sabungero.

“So ginawa ni secretary­  ‘yung trabaho niya and he reported, validated ‘yung naririnig ko... May naririnig na ako loud and very clear to me -- it is working against our values. ‘Yung impact sa pamilya at sa tao, ang labas, hindi na natutulog ‘yung mga sabungero 24 hours,” ani Duterte.

Matatandaan na naging­ kontrobersiyal ang e-sabong dahil sa pagkawala ng mahigit 30 sabungero at hindi na nakita ng kanilang mga kamag-anak.

Sa isang talumpati ni Duterte noong Linggo, ini­hayag ni Duterte na posibleng sinunog na ang mga nawawalang sabungero at posibleng sangkot pa ang ilang tiwaling pulis.

Nauna na ring sinabi ni Duterte na bagaman at aabot sa P640 milyon kada buwan o halos bil­yon-bilyong piso kada taon ang kikitain ng e-sabong pag-aaralan niya itong mabuti dahil sa maraming social problems na idinu­dulot ng nasabing sugal.

Show comments