^

Police Metro

3 hackers sa Smartmatic, arestado

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto na ng mga tauhan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at Philippine National Police - Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa Imus, Cavite at Sta. Rosa, Laguna ang tatlong hacker na sinasabing  responsable sa pagnanakaw ng datos mula sa Commission on Elections (Comelec) upang ipanalo ang  mga kandidato sa nalalapit na halalan.

Nakilala ang mga suspect na sina  Joel Adajar Ilagan o “Borger”, Adrian De Jesus Martinez o “Admin X”, at Jeffrey Cruz Limpiado o “Brake/Vanguard/Universe/LRR”.

Bukod sa panggugulo sa Comelec, sinabi rin ng mga hackers kaya nilang baguhin ang resulta ng eleksyon sa pamamagitan ng pagpasok sa sistema ng Smartmatic, ang automated poll system provider ng bansa.

Ayon kay CICC executive director Undersecretary Cesar Mancao, isinagawa ang operasyon nitong Sabado, kung saan nagpanggap ang mga agent ng CICC at PNP-ACG bilang kliyente na bibili ng ninakaw na datos ‘XSOX Group’.

Ibinebenta ng grupo ang ninakaw na datos mula sa private at government companies sa halagang P60 milyon.

Lumilitaw na kinontak ng mga IT operatives ang grupo at nagsagawa ng tatlong meeting sa Solaire, Pasay; EDSA Shangrila sa Makati at Pansol, Laguna.

Nagkasundo ang mga otoridad at suspects sa P60M subalit humingi ng P10M bilang downpayment.

“They threatened the Smartmatic and Comelec that if they would be ignored, they would release 60 gigabyte data of the Comelec. They had been insisting in the dark web that they could manipulate the result of the elections,” ani Mancao.

Sinabi ni Mancao na ang tatlong naaresto ay may koneksiyon sa isang empleyado ng Smartmatic na si Ricardo Argana na unang sumuko sa NBI, subalit nagtago na  rin.

Ipinasa ni Argana sa lider ng grupo na si Limpiado na isang dating negosyante ang access sa Smartmatic system. May contact umano ang ilang kandidato sa ilang lalawigan.

Sinasabing responsable rin ang grupo ni Limpiado sa ilang kaso ng hacking sa bansa.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 202 ang tatlo partikular ang connection with system interference, illegal access at attempt to commit cybercrime.

vuukle comment

COMELEC

SMARTMATIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with