^

Police Metro

Higit 600K workers balik-opisina na

Danilo Garcia - Pang-masa
Higit 600K workers balik-opisina na
Commuters wait for their shuttle bus at the EDSA-Pasay Rotunda footbridge on Tuesday, May 19, 2020. Metro Manila is under modified enhanced community quarantine measures which allows select businesses to resume operations.
Philstar.com / Erwin Cagadas

Makaraan ang ‘work from home set up’…

MANILA, Philippines — Balik na sa kanilang mga opisina ang nasa mahigit 600,000 manggagawa sa National Capital Region (NCR) at 38 pang lugar na inilagay sa Alert Level 1 makaraan ang ‘work-from-home set-up’ at ‘skeletal workforce’ na ipinatupad ng mga kumpanya.

Inaasahan pa ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na tataas pa ang bilang sa mga susunod na araw sa pagbabago ng polisiya ng iba pang mga kumpanya.

Sa ilalim ng Alert Level 1, lahat ng establisimiyento ay maaari nang magkaroon ng ‘full-seating capacity’ habang ang mga negosyo ay puwede nang ‘full on-site’ basta sumusunod pa rin sa ‘minimum public health standards’.

Nilinaw ni Bello na sa pagbabalik sa trabaho sa opisina, kailangan pa rin ng mga hindi pa nakakakumpleto ng bakuna na magpresenta ng RT-PCR test result kada dalawang linggo.

“Yun ang desisyon namin sa IATF. Kung hindi ka bakunado, puwede ka pumasok kaya nga lang for the protection naman ng mga co-workers mo and especially of the workplace, magpa-swab ka para natitiyak na pagpasok mo negative ka,” giit ni Bello.

WORK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user