^

Police Metro

COVID-19 vaccination sa edad 5-11 kasado na sa Pebrero 4

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aarangkada na sa Pebrero 4 ang pagtuturok laban sa COVID sa mga nasa edad 5 hanggang 11 sa Metro Manila.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 (NTF) chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., na nakahanda na ang gobyerno sa gagawing bakunahan ng mga bata na pasok sa nasabing age group.

Ayon pa kay Galvez, maglalabas ng isang ­memorandum ang gob­yerno ngayong linggo kung saan magsasagawa rin ng mga pagpupulong ang mga lokal na gobyerno para sa gagawing rollout ng pediatric vaccination na ang gagamitin ay Pfizer COVID-19 vaccine na may angkop na formula sa nasabing age group.

Para sa unang bahagi, isasagawa ito sa isang ospital at isang local government unit (LGU) site sa bawat siyudad sa loob ng National Capital Region (NCR) at pagkatapos ng isang linggo ay saka palalawigin sa ibang bahagi ng Metro Manila at iba pang rehiyon.

Base sa data ng NTF, nasa 7,246,430 adolescents, o mga bata na may edad 12 to 17 ang kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with