^

Police Metro

Workplaces target gawing vaccine sites  

Malou Escudero - Pang-masa
Workplaces target gawing vaccine sites  
A health worker prepares to administer the Sinovac vaccine against the COVID-19 coronavirus at Pinyahan Elementary School in Quezon City on April, 14, 2021.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga opisina at iba pang lugar ng mga manggagawa.

Ito ay matapos na si­mulan ng gobyerno ang pagbibigay ng bakuna sa mga piling botika sa  National Capital Region.

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez, mas mapapadali ang pagbabakuna sa mga empleyado kung gagawin ito sa lugar kung saan sila nagtatrabaho.

“Higit pong gawin na­ting mas accessible iyong mga bakuna sa mga manggagawa. So, ang alam ko ngayon nga ay mayroong pilot implementation ang pagbabakuna ay nasa mga piling botika na. So, iyong pagbabakuna ay ituloy-tuloy na rin sa mga pagawaan,” ani Benavidez.

Kabilang ang mga manggagawa na wala pang bakuna sa unang naapektuhan ng kautusan na nagbabawal sa kanila na sumakay sa mga pampublikong transportasyon.

Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat exempted ang mga manggagawa na wala pang bakuna sa no vaccine, no ride policy ng gobyerno.

COVID-19 VACCINE

DOLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with