_pang-masa
^

Police Metro

17 tauhan ng PNP-CIDG, kinasuhan ng murder

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasong murder ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa 17 tauhan ng ­Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Region 4-A na itinuturong responsable sa pagpatay sa mag-asawang Ariel at Ana Mariz Evangelista na sinilbahan ng warrant of arrest noong Marso 7, 2021 sa Nasugbu, Batangas.

Sa pahayag kahapon ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Adrian Sugay, ang pagsasampa ng kaso ay resulta ng isang buwang ebalwasyon ng Special Investigation Team (SIT) sa ilalim ng Inter-Agency Committee On Extra-Legal Killings, Enforced Disappearances, Torture and Other Grave Violations of the Right to Life, Liberty and Security of Persons (IAC) na binuo sa bisa ng Administrative Order No. 35 (AO 35).

Nagsasagawa na rin ang DOJ at NBI ng imbestigasyon sa pagkamatay ng pito pang ibang aktibista noong Marso 7, 2021 na tinaguriang “Bloody Sunday”.

Iginiit din ng DOJ na may “zero tolerance” ang pamahalaan sa ‘impunity’ sa hanay ng mga tagapagpatupad ng batas sa Pilipinas.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with