^

Police Metro

9 miyembro ng NPA, sumuko

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumuko sa mga sundalo at pulis ang 9 mi­yembro ng New People’s Army (NPA) kasama ang kanilang pamilya kamakalawa ng hapon sa Brgy. Rangas, Juban, Sorsogon.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 5 regional director Brig.Gen. Jonnel Estomo, dahil sa magkatuwang at pina­lakas na intelligence dri­ven operation at pangu­ngumbinsing sumuko ang mga komunista sa mga operatiba na bumaba sa kabundukan.

Kinilala ang mga sumuko sa mga alyas na Ka Bert, presidente ng Lambat Bitag, kalihim ng Bicol Peasant, kasapi ng regional white committee ng Bicol Regional Party Committee ng NPA, Ka Bong, Ka Jobal, Ka Jie, Ka Toningning at Ka Mike, na squad leader ng platoon 2, pawang miyembro ng Larangan 1, Komite ng Probinsya. Ka Miguel, Ka Gerald at Ka Martin, kasapi ng sub-regional yunit geril­ya (SRYG) ng NPA-Sorso­gon.

Ayon kay Estomo, alas-3:00 ng hapon nang sunduin ng mga pulis at sundalo ang mga nagbalik-loob sa liblib na lugar ng naturang barangay.

Nabatid na ang lahat ng mga sumuko ay makatatanggap ng pang­kabuhayang programa kasama ang kani-kanilang pamilya sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integrated Program o ECLIP.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with