^

Police Metro

Quarantine hiniling alisin na sa balikbayan at dayuhan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para makapiling na ng mga balikbayang Pinoy ang kanilang pamilya nang mas maraming araw ay isailalim na lang  sa tatlong araw na quarantine sa kung kumpletong bakunado at negatibo sa COVID swab test pagda­ting sa Pilipinas.

Iyan ang mungkahi sa Pamahalaang Duterte ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) dahil sa dagsa ng kahilingan ng mga pauwing Pilipino sa Estados Unidos na alisin na ang quarantine na nag-uudlot sa pagkikita ng mga magkapamilya bukod sa dagdag-gastos pa.

“Sandamakmak ang may gusto at may planong magbalikbayan mula sa Amerika at Canada na pawang bakunado ngunit nagdadalawang-isip dahil sa lima o pitong-araw na quarantine sa hotel bago pa makauwi ng probinsya,” sabi ni Turismo Isulong Mo Partylist nominee Wanda Tulfo Teo.

Iginiit ni Teo sa Pre­sidential Inter-Agency Task Force (IATF) na ibilang ang US sa “Green Countries” category dahil low-risk na ang naturang bansa sa Covid-19 dahil sa herd immunity at pagiging bakunado ng karamihang mamamayan.

Hiniling din ng TU­RISMO Partylist na payagan nang makapasok ang mga dayuhan na nasasabik nang makapiling ang kanilang mga Filipina fiancée.

“Tutal bumubuti na ang kondisyon sa bansa, bakit hindi natin hayaan si Romeo and Juliet na makapiling ang isa’t isa sa kondisyong bakunado sila pareho.”

Sabi ng da­ting secretary ng Department of Tourism (DOT), libu-libong mga banyaga ang napilitang lumikas pabalik sa kanilang bansa ng magulong Luzon lockdown at napilitang iwan ang kanilang mga kapuso kabilang na yung mga mayroon nang anak.

QUARANTINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with