^

Police Metro

Bongbong Marcos prayoridad ang pag-ahon sa pandemya

Mer Layson - Pang-masa
Bongbong Marcos prayoridad ang pag-ahon sa pandemya
Former Sen. Bongbong Marcos shows his certificate of candidacy for president in the 2022 elections.
The STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines — Kung sakali na manalo sa halalan ay ipapra­yoridad ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang pag-ahon ng bansa sa pandemya kabilang na ang pagtaas sa sahod ng nurses at healthcare workers.

Ito umano ang nilalaman ng “Tawid-Covid, Beyond Covid” program ni Marcos na magpapatibay sa buong healthcare system ng bansa sa pamamagitan ng pag­lalaan ng mas malaking pondo para sa pasahod at benepisyo ng mga healthcare wor­ker, pagdagdag sa mga pampublikong ospital at pagpapalakas ng medical research capability ng bansa.

Anya, magiging katuwang niya sa pagbuo ng program ang ilang mga kinatawan sa medical and scientific research sectors ng bansa.

Ayon pa kay Marcos, ang mababang pasahod ang isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit nagpapasya ang maraming nurse na ma­ngibang bansa upang kumita ng mas malaki o kaya naman ay lumipat sa ibang karera.

Nasa 75,000 nurses ang nagtatrabaho sa pampubliko at pampribadong mga ospital ngunit kapos pa rin ang bansa ng aabot sa 109, 000 nurses.

Ang mga Pinoy nurses din ang may pinakamababang sahod sa Southeast Asia na aabot lamang sa P40, 000 ang karaniwang sahod kumpara sa mga nurse sa Singapore na aabot sa P200, 000 ang sahod kada buwan.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with