^

Police Metro

Ginawang 10 pm hanggang 4 am curfew sa Metro Manila maigsi ng 2 oras

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng pilot implementation ng granular lockdown sa Setyembre 16 ay magiging alas-10 na ng gabi hanggang alas-4 na ng umaga ang curfew hour.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Autority (MMDA) chair Benhur Abalos na ang dating alas-8 hanggang alas-4 ng umaga sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ay binago na.

Aniya, nagpulong ang mga Metro Manila Mayors kung saan ay nagkaroon sila ng survey at napagdesisyunan na baguhin ang curfew hours.

“Ang curfew ngayon ay alas-8 ng gabi. So, ito po ay inuusad na. Nagbotohan kami kasama ng resolusyon na ang implementasyon nito ay isasabay sa pilot.. magiging 10:00 na po ng gabi hanggang alas-4 ng umaga. Iyon din po ang inano ng mga alkalde,” ayon kay Abalos sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa ilalim ng bagong alert system, magpapatupad din ng ‘localized lockdowns’ ang pamahalaan sa mga lugar na kakikitaaan ng mataas na impeksyon upang agad na maresolba at hindi na kumalat pa. - Danilo Garcia

MECQ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with