^

Police Metro

Sahod ng healthcare workers, doblehin

Danilo Garcia - Pang-masa
Sahod ng healthcare workers, doblehin
Medical staff from the National Children's Hospital take part in a vigil to honour their fallen colleagues and call on the government to provide ample protection to frontline staff and the immediate release of their bonuses, in Quezon City on April 28, 2020.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Iginiit ng grupong Alliance of Health Workers (AHW) na dapat doblehin na rin ngayon ang suweldo ng mga healthcare workers na siyang pangunahing nakikipaglaban sa pandemya.

Hiniling ni AHW president Robert Mendoza kay Pangulong Rodrigo Duterte na itulad din nito ang ginawang pagdoble sa sahod ng mga pulis at sundalo.

“Sana, dagdagan at itaas ang sahod both public and private health workers. Kung nadoble ni Pangulong Duterte ang sahod ng mga kapulisan, sana sa panahon ng pan­demya, magkaroon siya ng political will na doblehin ang sahod ng ating health workers,” panawagan ni Mendoza.

Anya, sa kabila ng pagtawag sa kanila na mga bayani ng Pangulo, nananatiling hanggang doon lang dahil sa naiiwan pa rin umano ang mga healthcare workers pagdating sa kaligtasan at benepisyo.

Inumpisahan na kahapon ang walkout ng mga healthcare workers ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at sa UST Hospital at magsasagawa rin ang mga miyembro ng mas malaking kilos-protesta sa harap naman ng tanggapan ng DOH bukas, Setyembre 1.

vuukle comment

HEALTH WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with