^

Police Metro

Barangy chair, 3 pa kumubra ng ayuda ng iba, timbog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang apat katao kabilang ang isang barangay chairman dahil sa rekla­mong Malversation of Public Funds partikular ang paglustay sa Social Amelioration Program (SAP) at pamemeke ng dokumento.

Batay sa ulat, alas-9:20 ng gabi nang  ma­aresto sa Bagumbayan St. Sta. Mesa, Maynila si Mario Simbulan, 73, tserman ng barangay 608, Zone 61, District VI, at residente ng 217-C Bagumbayan St., Sta. Mesa, kasabwat nitong sina Ma. Cristina Zara, 53, kagawad; Isagani Darilay, 42, Brgy. EX-O; at isang John Mark Nagera, 24.

Ang apat ay inireklamo dahil sa hindi naibigay na ayuda mula sa SAP ng gobyerno para sa ikalawang kwarter na halagang P8,000 ng mga complainants na sina Jerson Ceniza, 30, walang trabaho; at Renerio Salabo, 32, store attendant.

Ayon sa impormasyon, sa kabila na nasa listahan ang mga recipient, hindi nila natanggap ang dapat sanang cash aid na para sa kanila.

Narekober sa mga naaresto ang master list ng beneficiaries at dala­wang pekeng identification cards ng mga suspek na nakalagay ang pangalan at address ng mga complainant na inisyu ng Brgy. 608.

Ang apat ay mahaharap sa kasong paglabag sa Art 217 (RPC) Malversation of Public Funds (Social Amelioration Program Funds) at Art 172 Falsification of Public Documents.

vuukle comment

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with