^

Police Metro

Robredo, Lacson, Cayetano bukas ang pagtakbo bilang pangulo sa 2022

Angie dela Cruz - Pang-masa
Robredo, Lacson, Cayetano bukas ang pagtakbo bilang pangulo sa 2022
Ayon kay Robredo na wala pa naman siyang pinal na desisyon kung tatakbong gobernador ng Camarines Sur sa dara­ting na national at local elections sa May 2022 at marami pa siyang ikinokonsiderang mga bagay pero nakakatiyak anyang maghahayag siya ng desisyon sa tamang oras.

MANILA, Philippines — Ipinahayag nina Vice President Leni Robredo, Senador Ping Lacson na nananatiling bukas sila na kumandidato sa pagkapangulo ng bansa sa 2022.

Ayon kay Robredo na wala pa naman siyang pinal na desisyon kung tatakbong gobernador ng  Camarines Sur sa dara­ting na national at local elections sa May 2022 at marami pa siyang ikinokonsiderang mga bagay pero nakakatiyak anyang maghahayag siya ng desisyon  sa tamang oras.

Maging si Lacson ay pinag-iisipang tumakbo sa pagkapangulo ka-tandem ang kaibigang si Senate President Vicente Sotto III bilang bise-presidente.

Ayon kay Lacson, kailangan niyang mag-isip ng mahaba at matagal dahil mala­king res­ponsiblidad ang pagi­ging pangulo at mara­ming buhay ang nakaasa rito.

Ikinokonsidera rin ni dating House Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang pagtakbo sa  pagka-pangulo ng bansa.

Bukod sa pagka-presidente ay kanya ring pinag-iisipan na sumabak sa halalan para sa ibang mataas na posisyon sa gobyerno.

Ayon kay Cayetano, seryoso niyang ipinagdarasal ang bagay na ito at pinag-iisipang mabuti.

 Aniya, ang isang kandidatong Pangulo ay dapat na may ‘track record’ ng magandang serbisyo sa publiko, may pananaw at may sapat na karakter sa pampa­nguluhan. - Gemma Garcia, Joy Cantos

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with