^

Police Metro

Metro Manila nasa ‘moderate risk’ na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naibaba na sa ‘mode­rate risk’ ang buong Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III dahil sa pagbaba sa-39% ang COVID-19 growth rate mula Mayo 2-Mayo 15 buhat sa dating-46% growth rate.

Bumaba rin ang attack rate sa 13.44 cases per 100,000 population sa parehong petsa buhat sa da­ting 24.9 cases per 100,000 population.

“Ibig sabihin nito, bu­mabagal na ‘yong pagdag­dag o paglaki ng kaso,” paliwanag ni Duque.

Sa kabila naman ng pagbababa sa ‘general community quarantine with heighted restrictions’ ang Metro Manila, lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna, hinikayat pa rin ni Duque ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng ‘localized o granular lockdowns’ kung kinakailangan para maampat ang pagtaas ng mga kaso sa tukoy na mga lugar.

Bumaba na rin ang ‘healthcare utilization rate’ sa bansa sa 46% nitong Mayo 16 mula sa 54% noong Abril habang sa Metro Manila, bumagsak ito sa 45% mula sa 68% noong nakaraang buwan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with