^
NCR Plus, 3 pang lugar inilagay sa MECQ
Bukod sa NCR plus ay isinailalim din sa MECQ ang City of Santiago, Quirino at Abra.
The STAR/Michael Varcas, file

NCR Plus, 3 pang lugar inilagay sa MECQ

Gemma Garcia (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

Hanggang Abril 30…

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw (Abril 12) hanggang Abril 30, 2021 ay isinailalim  sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.

Bukod sa NCR plus ay isinailalim din sa MECQ ang City of Santiago, Quirino at Abra.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesman Harry Roque matapos na  aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-AgencyTask Force (IATF).

Habang isinailalim sa general community qua­rantine (GCQ) ang Cordillera Autonomous Region (CAR), sa Region 2 ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya; Region 4A ang Batangas; Region 8-Tacloban City; Region 10-Iligan City; Region 11-Davao City; BARMM-Davao del Sur at ang lalawigan ng Quezon.

Ang natitirang bahagi naman ng bansa na hindi nabanggit ay isinailalim sa MGCQ.

Related video:

MECQ NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with