Rebyu sa minimum wage, ilalarga na ng wage boards
Matapos iutos ni Pres. Marcos
MANILA, Philippines — Alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sisimulan na ng ilang regional wage boards ang pagrerepaso sa minimum wage rates sa bansa.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secre-tary Bienvenido Laguesma, unang magsasagawa ng review ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa National Capital Region (NCR) sa susunod na linggo.
Susundan naman aniya
ito ng may 10 pang regional wage boards, sa Hulyo o Agosto ng taong ito.
Sinabi ni Laguesma na bahagi ng pagrepaso ang pagsasagawa ng public consultations at public hearings. Magkakaroon din aniya ng pagpupulong ang RTWPB kung saan ikokonsidera ang mga inputs, opiniyon at posisyon ng mga lumahok sa public consultation at hearing.
Inaasahan namang kaagad na maglalabas ang mga wage boards ng wage orders, base sa resulta ng konsultasyon.
- Latest