^

Mga taga-Benguet pinag-iingat sa UK COVID-19 variant

Doris Franche (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Benguet-Caretaker Rep. Eric Yap ang kanyang mga constituents na mag-doble-ingat dahil umabot na sa katabing lalawigan nila, ang Mountain Pro­vince, ang UK variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa report ng Department of Health (DOH) noong Biyernes, 12 sa 17 UK COVID variant affected individuals na naitala sa bansa ay taga-Mountain Province.

“Puspusan ang pagmomonitor ng DOH at local health offices sa virus sa lugar pero kaila­ngan doble-ingat ang mga kababayan natin doon,” wika ni Yap.

Tiniyak naman ng mambabatas na naka-mo­nitor ang kanyang tanggapan at handang magbigay ng agarang ayuda kung makapasok ang nasabing UK COVID variant sa Benguet.

“Handa rin pong tumulong sa pagpapagamot ang aking tanggapan sa mga taga-Benguet sakaling mahawahan ng UK COVID variant ang mga ito,” dagdag ni Yap.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with