EUA ng Pfizer, mananatili

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagkasawi ng 29 senior citizens sa Norway ay wala pang nakikitang rason ang Department of Health (DOH) at Food and Drugs Authority (FDA) na kanselahin ang ibinigay na ‘emergency use authorization (EUA)’ sa Pfizer-BioNTech.

Ayon kay Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na wala pa naman umanong sapat na mga ebidensya na tumutukoy na ang bakuna ng Pfizer na ibinigay sa mga senior citizen ang dahilan ng kanilang pagkamatay kaya nananatili na ‘status quo’ ang EUA nito.

Wala pa rin namang konklusyon ang mga health experts na ang bakuna ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga matatanda.

Sinabi naman ni Dr. Edsel Salvaña, director ng Institute of Molecular Biology and Biotechno­logy ng University of the Philippines - National Institutes of Health, na posible umano na nagkaroon ng kontribusyon ang bakuna bilang side effects lalo na at may ibang sakit na taglay ang mga naturukan. 

Ngunit nilinaw niya na mas malaki pa rin ang benepisyo ng bakuna kaysa sa ikasasama nito.

Show comments