3 pinalaya sa Dacera rape/slay case ‘di pa lusot

Ito ang nilinaw kahapon ni Prosecutor Ge­neral Benedicto Malcon­tento sa panayam sa ka­niya ng radyo DZBB, kasunod sa naging kautusan ng Makati Prosecutor’s Office kamakalawa ng hapon na pansaman­talang palayain ang tatlo sa 11 itinuturing na respondents sa isinampang reklamong rape with homicide kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.
Instagram/xtinedacera

MANILA, Philippines — “They are not yet off the hook. Hindi namin dini-dismiss ang kaso, in fact, nilagay lang namin sa full-blown preliminary investigation ito para lahat ng ebidensiya pumasok from both parties.”

Ito ang nilinaw kahapon ni Prosecutor Ge­neral Benedicto Malcon­tento sa panayam sa ka­niya ng radyo DZBB, kasunod sa naging kautusan ng Makati Prosecutor’s Office kamakalawa ng hapon na pansaman­talang palayain ang tatlo sa 11 itinuturing na respondents sa isinampang reklamong rape with homicide kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

Aniya, sa proseso, may 60 araw para sa preliminary investigation­ kung saan titingnan ang gravity ng inihaing rek­lamo kaugnay sa pagkamatay ni Dacera.

Sinabi din ni Malcon­tento na wala silang na­kitang paglabag sa panig ng Makati Police na ide­tine ang mga supek dahil ka­ilangan na iprisinta sila sa piskalya sa inquest proceedings sa loob ng 36 oras matapos ang insidente.

Gayunman, kaya la­mang iniutos ng Ma­kati Prosecutor ang ‘re­lease for further inves­tigation’para sa 3 respondents dahil wala silang nakitang dahilan ng continuous detention.

Sakali, aniyang may makitang ebidensiya sa imbestigasyon, maaari namang mag-isyu ng preventive hold departure­ order laban sa mga respondents upang hindi makalabas ng bansa habang hindi pa sumasampa sa korte ang kaso subalit sa  kasalukuyan ay wala pa umanong ‘solid evidence” dahil kulang ang autopsy report.

Hinihintay pa ng pro­sekusyon ang isusumi­teng official reports ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) bilang ebidensiya para magkaroon ng conclusion sa inihaing reklamo at masimulan ang preliminary investigation.

Show comments