^

Police Metro

Flight attendant na dumalo ng new year’s party, natagpuang patay

Ludy Bermudo - Pang-masa
Flight attendant na dumalo ng new yearâs party, natagpuang patay
Kinilala ang biktimang si Christine Angelica Dacera Y Faba, 23, flight attendant at residente ng Block 21, Lot 1, VS Home Subdivision, Barangay San Isidro, General Santos City, South Cotabato.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 23-anyos na flight attendant na dumalo sa New Years party sa isang hotel sa Makati City kasama ang mga kaibigan ang natagpuang patay.

Kinilala ang biktimang si Christine Angelica Dacera Y Faba, 23, flight attendant at residente ng Block 21, Lot 1, VS Home Subdivision, Barangay San Isidro, General Santos City, South Cotabato.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng madaling araw  noong Enero 1, 2021 sa loob ng isang unit sa isang hotel na matatagpuan sa Kalayaan Ave­nue, Brgy. Poblacion, Makati City.

Sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang kapwa niya cabin crew at kaibigang bading na si Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael De Guzman at John Dela Serna na nag-check-in sa Room 2209 para ipagdiwang ang Bagong Taon at doon nag-inuman.

Nabatid na bukod sa magkakaibigan ay dumating din sa lugar ang “friend of friends” ng biktima kaya umabot sila sa hindi bababa sa sampu katao kaya nagdagdag pa ng isang kuwarto bukod sa inisyal na  Room 2209.

Ayon kay Galida, alas-10:00 ng umaga nang matuklasan na nangi­ngitim na ang labi ng biktima kaya tinawag sina De Guzman at Dela Serna na nagpasaklolo naman sa staff  at dinala pa sa clinic  ng hotel ang biktima para sa Cardio Pulmonary Resuscitation at nang wala na umanong pulso ay itinakbo sa Makati Medical Center. 

Sa cursory examination sa bangkay ay nakitaan ito na may mga pasa sa hita at tuhod habang inaalam pa kung may posibleng ‘rape’ o ‘gang rape’ na naganap bagama’t hinihintay pa ang official results sa isinagawang medico legal ng Philippine National Police (PNP) at Toxicology results kung may presence ng alcohol o droga ang bangkay, dahil ang hawak pa lang na cause of death ay “aneurysm” na secondary lang umanong cause of death.

Sakaling may naganap na ‘foul play’, magiging person of interest ang siyam na indibidwal na kasama ng biktima sa naganap na party sa hotel.

 

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with