DOJ babantayan ang kaso ng pagpatay ng pulis sa mag-ina

Nabahala si Guevarra sa nangyaring alitan na humantong sa pagpatay sa mag-ina ni Nuezca na kinasuhan ng two counts of murder at binigyan ng kasiguraduhan na makukuha ng mga biktima ang hustis­ya sa nangyaring krimen.
Google Maps

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na agad isasalang sa preliminary investigation kapag pormal nang sinampahan ng kaso ang Parañaque Police na si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na bumaril at nakapatay sa mag-inang Sonya Gregorio, 52 at Frank Anthony, 25 sa Paniqui, Tarlac.

Nabahala si Guevarra sa nangyaring alitan na humantong sa pagpatay sa mag-ina ni Nuezca na kinasuhan ng two counts of murder at binigyan ng kasiguraduhan na makukuha ng mga biktima ang hustis­ya sa nangyaring krimen.

Samantala, batay sa rekord ng pulis, maraming kasong administratibo ang nasangkutan ni Nuezca kabilang ang 3 grave misconduct na pawang nadismis noong 2013 at 2019; serious neglect of duty taong 2016 na nadismis din; less grave neglect of duty nang tumanggi sa drug test taong 2014 at nasuspinde ng 31 araw sa serbisyo.  

Show comments