DOH: Evac centers nakapagpataas ng COVID-19 cases
MANILA, Philippines — Inihayag ni Health Secretary na ang bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay posibleng dahilan sa evacuation centers na napuno dahil sa dalawang nagdaang malakas na bagyo.
“Well, tama po kayo, iyong pagtaas ay puwedeng ma-attribute natin iyan o ang kadahilanan niyan ay, unang-una, nagdaan itong dalawang malakas na bagyo o Typhoon—actually, hindi lang si Rolly, Typhoon Quinta nag-umpisa na tayo; Typhoon Rolly, Typhoon Ulysses ‘no. So iyong sa mga evacuation centers natin ay posibleng naging dahilan din iyan sa kaunting pagtaas ng kaso,” ani Duque.
Ipinahiwatig din ni Duque na mananatili sa general community quarantine ang Metro Manila ngayong Kapaskuhan kung saan inaasahang mas darami ang bilang ng mga lalabas sa kanilang mga tahanan.
Mahalaga aniyang sumunod ang lahat sa minimum health standards katulad nang pagsusuot ng facemasks, physical distancing at paggamit ng alcohol.
“At siyempre, itong pagsalubong ng Kapaskuhan at nasa GCQ tayo, iyong mga tao ay muling lumaki ang bilang ng lumalabas at nakikihalubilo, minsan nakakalimutan ang pagsunod sa minimum health standards of wearing face shields, facemasks, physical distancing, use of alcohol and frequent application of disinfectant sa mga gamit,” ani Duque.
Idinagdag ni Duque na ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19 ay hudyat na kailangang mas mag ingat at sumunod sa lahat na panuntunan ng gobyerno.
- Latest