^

Police Metro

Rep. Robes: Wakasan na ang korapsyon

Joy Cantos - Pang-masa
Rep. Robes: Wakasan na ang korapsyon
Sa inihaing House Bill 7124 ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes, ay mapipigilan ang pagnanakaw ng pondo, katiwalian at pandarambong kung susuriin muna ang lahat ng mga transaksiyon at kontrata na gagastusan ng pondo ng pamahalaan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Upang matugunan ang paglaban sa katiwalian at hindi masayang ang salapi ng pamahalaan ay dapat munang suriin ang paglalaanan ng pondo ng pamahalaan.

Sa inihaing House Bill 7124 ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes, ay mapipigilan ang pagnanakaw ng pondo, katiwalian at pandarambong kung susuriin muna ang lahat ng mga transaksiyon at kontrata na gagastusan ng pondo ng pamahalaan.

Aniya, ipinatupad na noong 1920 ang pre-audit system, subalit nang maluklok si dating Pangulong Ferdinand Marcos noong taong 1970 ay binago ang panuntunan na sinunod na rin ng mga sumunod pang mga naging pangulo.

Naniniwala si Cong. Robes na madaling maabuso at maging ugat ng katiwalian at pandarambong ang kasalukuyang sistema.

Sa pagtaya nito ay aabot sa P700 bilyon o 20 porsiyento ng pondong inilaan sa loob ng isang taon ang nawawala dahil sa korapsiyon kaya’t nararapat lamang na baguhin na ang panuntunan at ibalik ito sa pre-audit system upang hindi masayang ang pera ng taumbayan.

Sa ilalim na panukala, ang lahat ng pagkakagastusan ng pondo ng pamahalaan sa mga proyektong pang-imprastraktura, mga kontrata, maging ang pagbili ng mga kalakal at serbisyo, kasama ang pag-renta ng lupa, gusali o anumang sangay na ilalaan sa pamahalaan, kabilang dito ang mga institusyon tulad ng mga pamantasan, korporasyon, at iba pang sangay na gugugulan ng pondo ay sapilitang isasailalim sa pre-audit bago pagkalooban ng pondo.

Inaatasan ng panukala ang COA na maglabas ng taunang ulat na isusumite sa Pangulo ng bansa at sa Kongreso kaugnay sa katayuan ng implementasyon ng pre-audit system tuwing buwan ng Hunyo kada taon.

vuukle comment

CORRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with