Duterte hihintayin muna ang probe ng PhilHealth task force
Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang irekomenda ng Senate Committee of the Whole ang paghahain ng kasong kriminal kay Health Secretary Francisco Duque III, nagbitiw na si PhilHealth chief Ricardo Morales, at ilang dati at kasalukuyang opis­yal ng PhilHealth kaugnay sa “improper and illegal implementation” ng interim reimbursement mechanism (IRM).
The STAR/Boy Santos, file and BusinessWorld/File

Duterte hihintayin muna ang probe ng PhilHealth task force

Malou Escudero (Pang-masa) - September 3, 2020 - 12:00am

Sa rekomendasyon ng Senado na kasuhan sina Duque at Morales atbp…

MANILA, Philippines — Hihintayin na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging resulta ng imbestigasyon ng binuo nitong task force kaugnay sa malawakang korapsyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang irekomenda ng Senate Committee of the Whole ang paghahain ng kasong kriminal kay Health Secretary Francisco Duque III, nagbitiw na si PhilHealth chief Ricardo Morales, at ilang dati at kasalukuyang opis­yal ng PhilHealth kaugnay sa “improper and illegal implementation” ng interim reimbursement mechanism (IRM).

Ayon sa komite ng Senado, si Duque, Morales, at ilang senior vice presidents ng PhilHealth ay kailangang sampahan ng kasong kriminal at administratibo dahil sa pagkaka-ugnay ng mga ito sa mali at iligal na implementasyon ng IRM.

Nabatid na ang IRM ay isang advanced payment program na pinapayagan ang state insurer para bigyan ang mga health care institution ng pondo ng mas maaga para tugunan ang mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng kasalukuyang pandemya.

Sa kabila nito, sinabi ni Roque na ang rekomendasyon ng senado ay “always welcome” pero mas mabuti ang ilalabas na ulat ng Task Force PhilHealth kaysa sa binuo ng mga senador.

FRANCISCO DUQUE III PHILHEALTH RICARDO MORALES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with