Actor Matt Evans
Actor Matt Evans inaresto sa Maynila
Ludy Bermudo (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

Sa reklamo ng dating live-in partner

MANILA, Philippines — Arestado ang aktor na si “Matt Evans” na sumikat dahil sa pagganap sa teleserye na “Da Adventures of Pedro Penduko” matapos silbihan ng warrant of arrest kaugnay sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” kaugnay sa kasong isinampa ng kaniyang dating live-in partner na si Johnelline Hickins.

Sa ulat ng Manila Police District-Warrant and Subpoena Section (MPD-WSS), dakong alas 11:30 umaga nitong Biyernes (Hulyo 31) nang arestuhin si Matt Evans o Matthew Evans Nicolas sa tunay na buhay sa kaniyang bahay sa Lacson Avenue, Sampaloc, Maynila ng grupo nina P/Eexecutive Master Sgt. Manuel Aceveda, P/SMS Rem Sychangco P/MSG June Ricohermoso P/SSG Albert Acevedo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Carmencita Lacandazo Logan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 12 na may Case No. RPSG 20-00830 CR dahil sa paglabag sa R.A. 9262 na may inirekomendang piyansa na P36,000.00 para sa pansamantala nitogn kalayaan.

Si Evans na kasal sa negosyanteng si Riza Katrina Evans  ay nagsimulang makilala  sa TV reality show na Pinoy Big Brother hanggang sa na­ging aktor at na­ging bida sa teleserye na “Da Adventures of Pedro Penduko”, “Tanging Yaman” at “Rosalka”. 

ANTI-VIOLENCE MATT EVANS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with