_pang-masa
^

Ex-ambassador Danding Cojuangco pumanaw

Malou Escudero, Gemma Garcia (Pang-masa) - June 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumanaw na kamakalawa ng gabi si dating Phi­lippine Ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. dahil sa pneumonia at heart failure sa St. Luke’s Medical Center sa edad na 85.

Si Cojuangco ay chairman at chief executive officer ng San Miguel Corporation (SMC), naging ambassador ng Pilipinas sa Amerika, at founder ng isa sa pinakamalaking political parties sa bansa, ang Nationalist People’s Coalition (NPC).

Nagpaabot ng pakikiramay ang Senado sa pagpanaw ni Cojuangco.

Ayon kay Sen. Grace Poe, walang pagod na naghanap ng paraan si Cojuangco para mapayabong ang mga komunidad. Tumulong din siyang magbukas ng mga oportunidad base sa kanyang matibay na pananalig sa kakayanan ng bawat Pilipino.

Sinabi naman ni Sen. Win Gat­chalian na hindi rin umano matatawaran ang malaking naiambag ni Cojuangco sa larangan ng sports lalo na noong dekada 80’s.

Ikinalungkot naman ng Malacañang ang pagyao ni Cojuangco at nagpahatid rin sila ng dasal sa mga na­ulila nito.

“We are deeply saddened­ by the passing of Mr. Eduardo “Danding” Cojuangco, Jr.,” pahayag ni Presidential­ Spokesperson Harry Roque.

Pinuri rin ng Malacañang ang malaking kontribusyon ni Cojuangco sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng SMC. Marami umanong nagkaroon ng trabaho dahil sa kanyang kumpanya na may kinalaman sa pagkain, inumin, enerhiya, power, oil refining at imprastraktura.

DANDING COJUANGCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with