_pang-masa
^

Police Metro

‘Wala pang gamot sa COVID-19’ - DOH

Danilo Garcia - Pang-masa
âWala pang gamot sa COVID-19â - DOH
Ito ang nilinaw ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa kabila ng iba’t-ibang impormasyon na kumakalat sa maraming maliit na ‘clinical trials sa iba’t-ibang bansa pero hindi konklusibo lahat ng resulta at maging ang mga ginagamit na ‘off-label drugs’ ay pawang mga ‘experimental’ lamang.

MANILA, Philippines — “Wala pa ring gamot na natutuklasan na makakagamot sa coronavirus disease 2019”.

Ito ang nilinaw ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa kabila ng iba’t-ibang impormasyon na kumakalat sa maraming maliit na ‘clinical trials sa iba’t-ibang bansa pero hindi konklusibo lahat ng resulta at maging ang mga ginagamit na ‘off-label drugs’ ay pawang mga  ‘experimental’  lamang.

“Araw-araw ay marami tayong naririnig at nababasa na may cure or gamot laban sa COVID-19.  Inuulit ko po, based on scientific evidence as of TODAY (April 22), there is no proven cure for COVID yet,” ayon kay Vergeire.
Ngunit katulad ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-alok ng P10 milyong pabuya, umaasa rin ang DOH na may makakatuklas ng gamot sa virus.

“Mabusisi ang proseso ng pagtutuklas ng lunas para sa isang sakit dahil ayaw nating bigyan ng gamot na makakasama sa isang pasyente,” ani Vergeire.

Sa mga nananawagan na subukan ng DOH ang ilang uri ng gamot na isinusulong sa social media, iginiit niya na mahirap talagang matukoy kung epektibo ito dahil sa marami naman sa mga gumagaling sa COVID-19 ay dahil sa taglay na katangian ng katawan lalo na kung bata pa at malakas.

Bilang tugon, sumali ang Pilipinas sa Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO) para tumuklas ng mga gamot na gagamitin sa mga pasyente na kukunan muna ng permiso bago gamitin sa kanila.
Pumasa na umano ang Pilipinas sa ‘ethics review’ ng Solidarity Trial at nakakasa nang isagawa ito sa 20 pagamutan sa bansa.

CORONAVIRUS DISEASE 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with