Kelot na lumabag sa quarantine tumalon sa ilog

MANILA, Philippines — Dahil ayaw umanong magpahuli ang isang 19-anyos na binata sa mga otoridad nang lumabag sa quarantine at nakikipag-inuman pa ay tumalon ito sa ilog kamakalawa sa Brgy. Dalibubon, Jones, Isabela.

Ang suspek na hindi makita at pinaniniwalaang nalunod matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog ay  nakilalang si Winston Victoriano, obrero habang ang kanyang mga kasamahan na sina Arvin Ualat at Tritan Tuppal ay nagawang makatawid sa kabilang pampang,subalit nadakip kalaunan.

Sa ulat, bago ang insidente, alas-5:30 ng hapon habangnag-iinuman ng alak sa tabing ilog ang tatlo nang sila ay sitahin ng mga barangay tanod dahil sa paglabag sa pinaiiral na enhanced community quarantine.

Sa halip na sumama nang aarestuhin ay nagsitalunan ang tatlo sa ilog at hindi na nagawang lumutang si Victoriano.

Show comments