7 miyembro ng BIFF sumuko sa militar
MANILA, Philippines — Sumuko sa militar ang pitong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao, iniulat kahapon.
Kinilala ang mga rebelde na sina Kumander Naot Palaguyan, Akbal Abpi, Jimmy Angkana, Nguda Sangkina, Tato Tio, Aries Abdul at Danga Pindaliday, mga tauhan Kumander Bungos.
Kasamang isinuko ng grupo ni Kumander Naot sa tropa ng 7th Infantry (Tapat) Battalion ng Philippine Army sa Brgy. Midtimbang Datu Anggal Midtimban, Maguindanao ang isang homemade caliber.50 Barret sniper rifle, 1 homemade garand rifle, isang homemade Thomson, isang 12 guage shotgun, isang homemade Uzi at mga bala.
Aniya, gusto nang mamuhay ng mapayapa ang pitong BIFF kasama ang kanilang pamilya kaya’t nagbalik loob sila sa gobyerno.
Nagkaloob naman ng tulong na pinansyal at livelihood assistance sa mga rebelde ang LGU-Datu Anggal Midtimbang.
- Latest