Cagayan Mayor positibo sa virus

MANILA, Philippines — Mismong si Piat, Cagayan Mayor Carmelo Villacete ang nagkumpirma kahapon na siya ay positibo sa COVID-19.

Sa kanyang post sa social media, humingi ng paumanhin ang alkalde sa kanyang mga mamamayan na nabigo siyang pangunahan ang pagpigil sa paglala ng sakit.

Nabatid na nasa kanyang bayan lamang si Villacete na nangunguna sa pamamahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng lockdown at noong Marso 22 ay nag-post sa kanyang social media na “i am now signing off” at inihabilin ang relief distribution sa mga opisyal ng munisipyo. 

Nabatid na isang board member ang huling nakasalamuha ni Villacete sa kanyang bahay ang kinuhanan ng swab specimen upang malaman kung ito ay nahawa.

Show comments