Rapist/Killer ng 10-anyos na PWD, utas sa shootout

MANILA, Philippines — Sa halip na sumuko sa mga pulis ay nanlaban umano ang rapist/killer ng isang 10-anyos na batang babae na may kapansanan nang ito ay manlaban sa shootout sa lalawigan ng Quezon, kamakalawa.

Sa report ni Quezon Provincial Police Office (PPO) Director Col. Audie Madrideo, nanlaban ang suspek na si Mauro Cargar Gravamen alyas Papa Jun, 60, sa hot pursuit operation sa Brgy. Ibabang Alsam, Tayabas City dakong alas- 3:15 ng hapon.

May bitbit itong granada na tinangka nitong ihagis sa mga otoridad kaya hindi na nagdalawang isip ang mga operatiba at pinaputukan ito bago pa man nito matanggalan ng pin.

Ang suspect ang nasa likod ng rape slay sa biktimang si Kaycee Oabel, 10, Grade 5 na may isang autism spectrum disorder na nilansi umano ng matanda matapos itong bigyan ng kendi.

Nawala noong Pebrero 19 ang biktima na hu­ling nakitang buhay ng tiyuhin nitong si Marvin Exhija habang binibigyan ng kendi ng matanda at natagpuan ang bangkay noong Pebrero 21 bandang alas -10:40 ng hapon sa kagubatan ng Brgy. Ila­yang Alsam, Tayabas City.

Ang biktima ay tadtad ng mga sugat sa katawan matapos hampasin ng matigas na bagay ng suspect hanggang sa mapatay matapos itong halayin.

Show comments