^

Police Metro

Belgian, 3 Pinoy timbog sa drug ops

Danilo Garcia - Pang-masa
Belgian, 3 Pinoy timbog sa drug ops
Kinilala ang mga na­aresto na sina David de Wolf, isang online sales representative, 31-anyos, nakatira sa P. Rosales, Brgy. Sta. Ana, Taguig City; Angelica Rillona, 19, estudyante, ng Brgy. 759 San Andres, Maynila; Marc Erick Barcelon, 25, ng Washington St., Brgy. Merville Park, Parañaque City at Jonas Callejas, 24, ng Donado Street, Brgy. San Isidro, Pasay City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Belgian national at tatlong Pinoy sa isinagawang magkakasunod na drug bust operation ng mga otoridad na nagresulta sa pagkakakumpiska sa higit P.6 milyong halaga ng ecstacy at high-grade marijuana, kamakalawa ng hapon, sa lungsod ng Taguig.

Kinilala ang mga na­aresto na sina David de Wolf, isang online sales representative, 31-anyos, nakatira sa P. Rosales, Brgy. Sta. Ana, Taguig City; Angelica Rillona, 19, estudyante, ng Brgy. 759 San Andres, Maynila; Marc Erick Barcelon, 25, ng Washington St., Brgy. Merville Park, Parañaque City at Jonas Callejas, 24, ng Donado Street, Brgy. San Isidro, Pasay City.

Sa ulat, alas-3:00 ng Biyernes ng hapon nang una silang magkasa ng buy-bust operation sa loob ng isang coffee shop sa isang mall sa Brgy. Fort Bonifacio, Taguig kung saan nadakip si Rillona. Nang isailalim sa interogasyon, inginuso niya ang kanyang mga source.

Inaresto sa operas­yon sa harap ng Green Residences sa Taft Ave­nue, Maynila si Barcelon dakong alas-4:00 ng hapon; naaresto sa may Net World Casino sa Buendia, Pasay City ang suspek na si Callejas bandang alas-5:45 ng hapon hanggang sa matukoy ang pangunahin nilang source na si De Wolf na naaresto naman sa Almeda St.sa Brgy. Ususan, Taguig City dakong alas-8:30 ng gabi.

Nasabat sa mga suspek ang kabuuang 77 kapsula ng ecstacy na may halagang P130,390; 56 gramo ng ecstacy powder na nagkakahalaga ng P510,000; 14.5 gramo ng ‘high-grade marijuana o ‘Kush’  na may halagang P17,400; apat na tableta ng ecstacy na nagkakahalaga ng P6,800.

Nakaditine na ang mga suspek sa Taguig City Police Custodial Jail at pawang mga nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ECSTACY

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with