Pagsabog sa Bulkang Taal, humina sa nakalipas na 24 oras

Humina ang pagsabog sa main crater ng bulkan dahil sa magmatic at hydrovolcanic processes na kung saan ay kinakikitaan nang pagluwa ang bunganga ng bulkan ng kulay dark gray na abo na umaabot sa 1000 metrong taas at nalulusaw sa may timog kanluran ng main crater.
Bullit Marquez/AFP

MANILA, Philippines — Bagama’t nagpapatuloy ang mga pagsabog na nararanasan sa Bulkang Taal ay humina naman ito sa nakalipas na 24 oras.         

Pero, sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum na hindi dapat maging kampante ang lahat sa paghina ng pagsabog sa main crater ng bulkan dahil maaari pa ring magkaroon ng mas matinding pagsabog ang bulkan anumang oras.

Humina ang pagsabog sa main crater ng bulkan dahil sa magmatic at hydrovolcanic processes na kung saan ay kinakikitaan nang pagluwa ang bunganga ng bulkan ng kulay dark gray na abo na umaabot sa 1000 metrong taas at nalulusaw sa may timog kanluran ng main crater.

Maaari rin anyang magkaroon ng base surge at volcanic tsunami dahil sa abnormal na ikinikilos ng bulkan.

Samantala, kinakitaan din ng mga bagong bitak ng lupa sa may Sinisian; Mahabang Dahilig; Dayapan; Palanas; Sangalang; Poblacion; Mataas na Bayan; Lemery; Pansi­pit; Bili­binwang; Agon­cillo; Poblacion 1; Poblacion 2; Poblacion 3; Poblacion 5; Talisay; at Poblacion, San Nicolas.

Ang mga bitak na lupa ay tumatagos sa daan papuntang Agoncillo hanggang sa Laurel, Batangas.

Show comments