^

Police Metro

Drilon natameme sa sagot ni Go

Pang-masa
Drilon natameme sa sagot ni Go
Sinabi ni Sen. Go, Chairman ng Committee on Sports ng Senado na personal niyang ni-review at binusisi ang hinihinging budget ng PSC sa susunod na taon at wala itong nakikitang problema sa budget dahil igugugol sa training ng mga atleta para matiyak na makakakuha ng medalya sa mga international competition na hindi tulad ng nagdaang administrasyon.

MANILA, Philippines — Sinagot ni Sen. Bong Go nang punto por punto si Sen. Franklin Drilon sa mga katanungan nito hinggil sa proposed budget ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa taong 2020 na ikinatameme nito.

Sinabi ni Sen. Go, Chairman ng Committee on Sports ng Senado na personal niyang ni-review at binusisi ang hinihinging budget ng PSC sa susunod na taon at wala itong nakikitang problema sa budget dahil igugugol sa training ng mga atleta para matiyak na makakakuha ng medalya sa mga international competition na hindi tulad ng nagdaang administrasyon.

Hindi anya, malulustay ang pondo dahil siya mismo ang magbabantay at sisita sa PSC kapag may nakita na hindi maganda.

Pangamba ni Drilon na baka mapunta lang sa bulsa ang budget ng PSC tulad ng pinipilit ng overprice umano ang Sea Games Cauldron na nagkakahalaga ng P55 milyon.

Tiniyak ni Go sa kanyang mga kasama sa Senado na kapag may anomalya sa budget na ibibigay sa PSC o may bahid ito kahit na konting korapsiyon ay magpapatawag agad siya ng imbestigasyon.

Sa huli ay sinuportahan na rin ng kanyang mga kasamahan partikular na ang oposisyon ang hinihinging pondo ng PSC.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with