Mag-utol dinedbol ng pinsan

Kinilala ang magkapatid na napatay na sina Roland, 36 at Moises Cabiles, 42 habang ang suspek na si Ricky Tabalansa, 40 ay malubhang nasugatan matapos makaganti ng taga ang una.

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang magkapatid nang sila ay pagtatagain ng kanilang pinsan matapos ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman kamakalawa sa Brgy.Capagaran, Allacapan, Cagayan.

Kinilala ang magkapatid na napatay na sina Roland, 36 at Moises Cabiles, 42 habang ang suspek na si Ricky Tabalansa, 40 ay malubhang nasugatan matapos makaganti ng taga ang una.

Lumalabas sa imbes­tigasyon, bago naganap ang krimen, alas-9:50 ng gabi ay magkasamang nag-iinuman ang magkapatid at suspek hanggang sa sila ay ma­lasing.

Dito ay pinakialaman umano ni Moises ang magulong relasyon ni Tabalansa sa kanyang misis na hindi nagustuhan ng huli hanggang sa magtalo ang mga ito.

Upang hindi na huma­ba ang pagtatalo ay nagpaalam ang magkapatid na uuwi na  lamang at dito ay kinuha ng suspek ang kanyang itak at pinatay ang ilaw bago pinagtataga si Moises habang nakatakbo si Roland at hinabol.

Nang maabutan ay pinagtataga ng suspek si Roland na kahit may mga tama ay nagawa nitong maagaw ang itak at ginantihan ng taga ang una hanggang sa mawalan ng ulirat at tuluyang nasawi.

Patuloy na inoob­serbahan si Tabalansa sa Cagayan Valley Medical Center dito matapos ilipat mula sa Toran District Hospital sa Aparri.

Show comments