^

Police Metro

Robredo tinanggap ang alok ni Duterte

Rudy Andal - Pang-masa
Robredo tinanggap ang alok ni Duterte
Ayon kay Robredo, tinatanggap niya ang appointment ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ito ang magiging pagkakataon para mahinto na ang mga pagpatay sa mga inosenteng buhay at para mapanagot ang tunay na mga may sala.
Leni Robredo FB Page

Handa na ba kayo sa akin?...

MANILA, Philippines — Tinanggap ni Vice President Leni Robredo ang posisyon bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Robredo, tinatanggap niya ang appointment ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ito ang magiging pagkakataon para mahinto na ang mga pagpatay sa mga inosenteng buhay at para mapanagot ang tunay na mga may sala.

“At kahit sabihin na nating ang alok na ito ay pamumulitika lamang, at hindi naman talaga ako susundin ng mga ahensya, at gagawin nila ang lahat para hindi ako magtagumpay, handa akong tiisin ang lahat ng ito.

Dahil kung mayroon akong maililigtas na kahit isang inosenteng buhay, ang sinasabi ng prinsipyo at puso ko ay kailangan ko itong subukan,” ani Robredo.

Ipinaliwanag ni Robredo na hindi siya nagpapahayag ng mga pagpuna sa war on drugs ng gobyerno nang dahil sa naghahabol siya ng puwesto.

“Mula simula, ang gus­to ko ay ang maging ma­ayos ang kampanya laban sa ilegal na droga. Itigil ang pagpatay sa mga ino­sente. Panagutin ang mga abusadong opisyal tulad ng mga ninja cops at mga nagpalusot ng tone-toneladang shabu. Bigyan ng hustisya at boses ang mga pamil­ya ng mga pinaslang na walang kasalanan. Habulin ang mga malalaking drug lords na talagang sumisira sa ating lipunan, hindi lang ang maliliit na nagtutulak sa kanto-kanto,” saad ni Robredo.

Sinabi ni Robredo na nakahanda siyang gawin ang tungkulin bilang anti-drug czar katuwang si Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino.

“Ang tanong ko (sa administrasyon) handa na ba kayo sa akin?

Nauna nang tinawag ng kampo ni Robredo na hindi seryoso ang alok para sa nasabing puwesto hanggang sa ilabas kamakalawa ng Malacañang ang isang executive order na pirmado ni Pangulong Duterte.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with