Mananaksak ng pulis, napatay

MANILA, Philippines — Nabaril at napatay ng mga pulis ang isang hindi pa kilalang lalaki nang pagbabatuhin ang truck driver at tangkang pana­naksak sa isang rumespondeng pulis, kamakalawa sa Antipolo City, Rizal.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang pamamaril, alas-5:00 ng hapon isang kalye sa Brgy. San Jose, Antipolo City ay nagsumbong at humingi ng tulong sa mga pulis ang truck driver na si Roy Bacera matapos na pagbabatuhin ng suspek ang kanyang truck habang binabagtas ang kalsada sa naturang barangay.

Rumesponde sina P/SSgt Tony Tayud at P/SSgt Messiah Golla, at tinangkang payapain at pasukuin ang lalaki.

Sa halip na sumuko ay pinagbalingan ng suspek ang mga pulis at kanya itong pinagbabato sanhi upang tamaan sa braso si Golla. 

Bumunot ito ng patalim at tinangkang sugu­rin at saksakin ang mga pulis kaya’t binaril ito ni Golla ng dalawang beses at dinala sa pagamutan, subalit idineklarang dead on arrival.

Show comments