Beybi inilagay sa belt bag ng Amerikana
Ang Amerikana na si Jennifer Errin Talbot, 43, na inaresto sa tangkang pagpuslit ng 6 araw na bagong silang na sanggol sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, kahapon ng umaga.
Rudy Santos
Beybi inilagay sa belt bag ng Amerikana
Joy Cantos, Doris Franche-Borja (Pang-masa) - September 5, 2019 - 12:00am

Tangkang ipuslit sa NAIA...

MANILA, Philippines — Isang 6-araw na gulang na sanggol ang natagpuan sa loob ng isang belt bag ng isang Amerikana, kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang suspek na si Jennifer Errin Talbot, 43, nang tangkaing ipuslit nito ang bagong silang na sanggol kahapon ng alas-6:20 ng umaga.

Ayon kay Immigration Port Division Chief Grifton Medina, nakita pa ng mga security personnel na hawak ni Talbot ang sanggol at nagtaka sila nang mag-check in na ay hindi na ito nakita.

Kaya’t nagsagawa ng security check ang security personnel at Delta Airlines na sasakyan sana ng suspek at natuklasan sa hand-carried bag nito ang bagong silang na sanggol.

“The baby is Pinoy looking, she (Talbot ) cannot present any travel documents”, ani Medina.

Sinabi ng opisyal na may ipinakitang affidavit ang suspek na may medical condition umano ang sanggol, pero sa tingin nila ay malusog ito. Walang dalang passport o anumang dokumento ang suspek para sa nasabing sanggol.

Dinala na ang suspek sa NBI na posibleng kasuhan ng child trafficking habang ang bagong silang na sanggol ay dinala sa DSWD.

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT TERMINAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with