Paglilitis kina Jinggoy at Napoles sa pork scam, tuloy na
Gemma Garcia (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ibasura ng Sandiganbayan 5th Division sa inihaing demurrer to evidence ay itutuloy na ang paglilitis sa kasong plunder laban kina dating senador Jinggoy Estrada at Janet Napoles kaugnay ng pork barrel scam.

Sa desisyon ng anti-graft court kumbinsido sila na sapat ang testimonial at documentary evidence na iprisinta ng prosekusyon para ma-es­ta­blish ang kasong plunder laban sa mga akusado.

Partikular na tinukoy sa resolusyon ang kasunduan nina Napoles at Estrada na idaan ang PDAF allocation nito sa NGOs na Magsasaka Foundation Inc (MAMPI) at Social Development Prog­ram for Farmers Foundations Inc. (SDPFFI), na may komisyong aabot sa 40 hanggang 60 percent kapalit ng kickbacks at komisyong paghahatian nila.

Ang demurrer ay isang motion para sa agarang pagbasura ng kaso dahil sa mahinang ebidensiya, subalit sa kaso ni Estrada at Napoles sinabi ng Sandi­ganbayan na mayroon silang sapat na pruweba para makitang guilty ang dalawa.

Sapat na din umano­  ang nasabing mga ebi­densya para suportahan ang  conviction sa krimen kung hindi sasagutin ng contrary evidence.

Si Estrada ay pansamantalang nakalalaya ma­tapos maglagak ng piyansa habang nakakulong naman sa Correctional Institution for Wo­men si Napoles matapos mahatulang guilty sa PDAF scam kung saan kapwa akusado nito si senator-elect Bong Re­villa sa paggamit ng P183 milyon halaga ng pork barrel funds.

JANET NAPOLES JINGGOY ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with