^

Police Metro

Pinay kinidnap, ni-rape ng Kuwaiti police

Lordeth Bonilla - Pang-masa
Pinay kinidnap, ni-rape ng Kuwaiti police
Ayon kay Embassy Chargé d’Affaires Mohd Noordin Lomondot, nag-isyu na ng warrant of arrest ang Kuwaiti authorities laban sa suspek na si Mr. Fayed Naser Hamad Alajmy, 22.
Wikimedia Commons/dgca.gov.kw

Nang dumating sa airport…

MANILA, Philippines — Masaklap ang si­napit ng isang babaeng overseas Filipino worker nang dukutin at gahasain ng Kuwaiti police officer pagdating nito sa airport ng naturang bansa.

Ayon kay Embassy Chargé d’Affaires Mohd Noordin Lomondot, nag-isyu na ng warrant of arrest ang Kuwaiti authorities laban sa suspek na si Mr. Fayed Naser Hamad Alajmy,  22.

Lumalabas sa report­ na nitong Hunyo 4, 2019, si Alajmy ang nag-assist sa biktima nang duma­ting ito sa airport ng Kuwait para sa finger scanning registration.

Subalit matapos ang scanning ay kinidnap ang biktima at dinala sa isang lugar kung saan siya ginahasa ng suspek.

Nakikipagtulungan na ang Department of Fo­reign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait para sa agarang pag-aresto sa suspek.

Dagdag  pa ni Lomondot, na nakipagtulungan na­man ang employer ng biktima sa embahada ng Pilipinas at sa mga local authorities sa  Kuwait para mabigyan ng hustisya ang sinapit ng naturang Pinay worker.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with