^

Police Metro

Welder na hinudas ang mga kasama, binigti

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa pag-amin ng isang 56-anyos na welder na ninakawan niya ang kanilang kompanya katulong ang isang magkapatid ay sinakal ito at binigti ng mga huli sa loob ng kanilang pinapasukan sa Makati City.

Ang biktima ay kinilalang si Nestor Malujao, stay-in sa kanilang kompanya na Turbo Engine Recovery na matatagpuan sa #1274 Batangas St., Brgy. San Isidro, ng lungsod.

Ang suspek na naaresto sa isang follow-up operation ay nakila­lang si Albert Cruz, habang pinaghahanap pa ang kapatid nitong si ­Ritchell.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima na naka­bigti ng lubid sa loob ng pinapasukan nito.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, umamin ang biktima na kasabwat niya sa insidente ng nakawan ang magkapatid na suspek sa kanilang kumpanya.

Kaya’t hinala ng pulisya na pinatay ng magkapatid ang biktima bago tumakas ang mga ito.

vuukle comment

ALBERT CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with