Anak ng mayor na nasa Duterte’s list, tiklo

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad sa isang anti-drug ope­ration ang anak na lalaki ng isang alkalde matapos itong masangkot sa ilegal na pagtutulak ng droga sa Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa.

Ang nasakoteng suspek ay anak ni Gonzaga, Cagayan Mayor Marilyn Pentecostes na si Jonjie Sumer Pentecostes, 44, isang high value target (HVT) at nasa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte, residente ng Brgy. Paradise, Gonzaga, Cagayan.

Sa ulat, dakong alas- 6:30 ng umaga nang masakote si Jonjie sa Vargas cockpit arena, Zone 1, Brgy. Pengue Ruyu sa lungsod ng Tuguegarao City habang nagbebenta ng shabu.

Nakumpiska sa suspek­ ang 0.7 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4,900.00, dalawang piraso ng P1,000.00 bill na ginamit na buy bust money.

Show comments