Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang isagawa ang buy bust operation sa loob ng minamanehong sasakyan ng suspek sa nabanggit na lugar na kung saan isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu.
File
Senior citizen tiklo sa P10-M shabu
Lordeth Bonilla (Pang-masa) - May 30, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 65-anyos na senior citizen ang nada­kip ng mga otoridad sa isang drug buy bust operation at nakumpiska ang nasa P10 milyon halaga ng shabu, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Sta. Ana, Pateros.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Angelo Reyes, ng Alley 12 Brgy. Santa Ana ng nasabing bayan.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang isagawa ang buy bust operation sa loob ng minamanehong  sasakyan ng suspek sa nabanggit na lugar na kung saan isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu.

Nang magkaabutan na ng items ay doon na inaresto ang suspek at nakumpiska ang nasa 1.5 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10.2 milyon na nakabalot sa tea bags na may Chinese character.

Labis naman ang pagsisisi ni Reyes at sabay itong humingi ng tawad sa kanyang asawa, pamilya, lalo na sa mga apo nito.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with