Lalaki pinatay sa lamay
MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang hindi pa kilalang lalaki nang ito ay barilin habang nanonood ng sugal sa isang lamayan sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City kamakalawa ng gabi.
Inilarawan ng mga otoridad ang biktima na nasa 25 hanggang 30-anyos, may taas na 5’4”, nakasuot ng asul na t-shirt, itim at dilaw na jersey short at pulang tsinelas.
Sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi ay kasalukuyang nanonood ang biktima sa sugal sa burol ng isang Dan Mark Manana sa 22 Katuparan St., kanto ng Kalusugan St., Brgy. Batasan Hills.
Nang mula sa sumulpot sa likuran ang suspek at malapitang pinagbabaril ng anim na beses sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Walang nakakilala sa salarin dahil nakasuot ito ng face mask at tumakas sakay ng motorsiklo.
- Latest