^

Police Metro

Irish ni-rape ng trike driver sa El Nido

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nauwi sa bangungot ang isa sanang masayang bakasyon ng isang turistang dalagang Irish national makaraan itong gahasain ng tricycle driver sa El Nido, Palawan kamakalawa.

 

Ang biktima ay itinago sa pangalang “Clara”, 21-anyos, insurance sales agent sa Torquay, Ireland, at guest sa Elternative Hostel, El Nido ng lalawigan.

Kinilala naman ng mga otoridad ang nasakoteng suspek na si Parry Daquer Gaspe, 39, residente ng Brgy. San Fernando ng lalawigan.

Sa salaysay ng biktima, dakong alak-4:00 ng mada-ling araw, pauwi na umano ito kasama ang kaibigang si Lea Anna Rosenbosch at isang tinukoy lamang sa pangalang Oliver na pawang mga medyo lasing galing sa gimikan.

Pagsapit sa Bacuit gasoline station ay pumara ang dalagang banyaga para maglakad na lang sa iskinita patungo sa tinutuluyang hotel habang ang dalawang kasama ay naiwan sa tricycle dahil sa ibang hotel nanunuluyan ang mga ito.

Dito ay sinabi ng suspek sa sasamahan umano nito ang dalaga sa paglalakad sa eskinita.

Gayunman, habang naglalakad ay biglang sinunggaban ng suspek ang biktima saka hinalay sa madilim na bahagi ng eskinita.

Nanlaban ang biktima sa pagsasabing “No, please stop” pero ‘di ito pinakinggan ng buhong na tricycle driver.

Nang makaraos ay mabilis na tumakas ang suspek.

Nasakote naman agad ng mga pulis ang suspek matapos na i-report ng dalaga ang nangyari.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with