^

Police Metro

Generally peaceful ang BOL plebiscite

Joy Cantos - Pang-masa
Generally peaceful ang BOL plebiscite
Sa mga lalawigang nasasaklaw ng ARMM ay isinagawa ang ratipikasyon ng BOL na kinabibila­ngan ng Maguindanao, Sulu, Basilan, Lanao del Sur at Tawi-Tawi. Ayon kay Major Cirilito Sobejana, Commander ng Army’s 6th Infantry Division (ID), dakong alas-3:00 ng hapon ay nagsara na ang halos 90 % ng mga polling precints at nagsimula na rin ang bilangan ng mga boto.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines —  Idineklara kahapon ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na generally peaceful ang naganap na plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM) sa kabila ng ilang insidente ng ‘isolated case’.

Tulad ng nagkaroon ng konting aberya sa girian ang mga supporters, pagtatangka ng mga flying vo­ters na bumoto, pagtanggi ng mga guro na magsilbing Board of Election Inspectors (BEI’s) sa Cotabato City; komosyon at iba pa ay naisagawa ang botohan sa iba’t-ibang lugar sa mga lalawigan ng ARMM at mga lungsod ng Cotabato at Isabela .

 Sa mga lalawigang nasasaklaw ng ARMM ay isinagawa ang ratipikasyon ng BOL na kinabibila­ngan ng Maguindanao, Sulu, Basilan, Lanao del Sur at Tawi-Tawi. Ayon kay Major Cirilito Sobejana, Commander ng Army’s 6th Infantry Division (ID), dakong alas-3:00 ng hapon ay nagsara na ang halos 90 % ng mga polling precints at nagsimula na rin ang bilangan ng mga boto.

Naitala naman sa 65% ang voters turnout sa Maguindanao;  20% sa Sulu; 45% sa Lanao del Sur;  75% sa Tawi-Tawi,  62 % sa Basilan; 60% sa Cotabato City at 80% sa Isabela City.

vuukle comment

BANGSAMORO ORGANIC LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with