Rider nag-overtake sa trak, utas
Danilo Garcia (Pang-masa) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay ang isang motorcycle rider nang magulu­ngan ng isang trailer truck na kanyang siningitan at lagpasan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktimang nasawi ay nakilalang si Ronald Agravante, 35, may-asawa at nakatira sa No. 1104 Orchid Street, Sitio Gitna Kaybiga, Caloocan City.

Dinakip naman ang truck driver na si Steven Jimmy Balanquit, Jr., 30, ng GSIS Hills Subd., Ta­lipapa, Novaliches, Quezon City.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na bago nangyari ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa C3 Road malapit sa Dagat-Dagatan Avenue, Brgy. 22, ng lungsod ay kapwa binabagtas ng motorsiklo ng biktima at trailer truck (UWJ-481) ang lugar.

Papaliko na sa kanan ang trak nang tangkain ng biktima na lagpasan ito kahit umano alanganin na naging dahilan para mawalan ng kontrol at sumampa sa bangketa.

Bumagsak ang biktima at hindi napansin ng driver ng truck dahil nasa “blind spot” hanggang sa nagulungan ang biktima at makaladkad.

Nadala pa sa Philippine Orthopedic Center sa Quezon City ang biktima ngunit idi­nek­larang wala nang buhay dakong alas-8:42 ng gabi.

AKSIDENTE PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with