Sinabi ni Albayalde na sa kabuuan ng Trasla­cion na tumagal ng 21 oras mula alas -5:00 ng umaga noong Miyerkules hanggang pasado alas-2:00 ng madaling araw kahapon ay walang nairekord na anumang uri ng krimen ang National Capital Region Police Office (NCRPO) partikular na sa bisinidad ng pinagdarausan ng relihiyosong okasyon ng Simbahang Katoliko.
File
Zero crime rate sa Traslacion
Joy Cantos (Pang-masa) - January 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde na walang nangyaring krimen at naging mapayapa sa pangkalahatan ng Traslacion ng Itim na Nazareno.

Sinabi ni Albayalde na sa kabuuan ng Trasla­cion na tumagal ng 21 oras mula alas -5:00 ng umaga noong Miyerkules hanggang pasado alas-2:00 ng madaling araw kahapon ay walang nairekord na anumang uri ng krimen ang National Capital Region Police Office (NCRPO) partikular na sa bisinidad ng pinagdarausan ng relihiyosong okasyon ng Simbahang Katoliko.

Kumpara noong nakalipas na taon ay mas mabilis ng mahigit isang oras na naibalik ang imahe ng Itim na Nazareno mula sa Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo Church dahil wala namang naging aberya sa siyam na istasyon na dinaanan ng prusisyon.

Sa pagtaya naman ni NCRPO Chief P/Director Guillermo Eleazar, aabot sa tinatayang mahigit 4 milyon ang mga debotong dumagsa sa Traslacion sa mga dinaanang ruta hanggang sa pinal na destinasyon nito sa Quiapo Church.

TRASLACION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with